THE NETHERLANDS – Tumatag ang kampanya ni US-based Pinoy Grandmaster Wesley So na masungkit ang No.2 positon sa world ranking nang pagwagihan ang prestihiyosong Tata Steel Chess Tournament nitong weekend dito.
Kasalukuyang No.4, ginapi ni So, tangan ang itim na piyesa, si GM Ian Nepomniachtchi sa ika-28 sulong ng Trompovskhy Opening sa ika-13 round para makamit ang siyam na puntos ang maungusan si world champion GM Magnus Carlsen.
Nakopo ni Carlsen ang ikalawang puwesto matapos magtabla ang huling laro kontra GM Sergey Karjakin sa 14-all GM event
“I’ve achieved one of my goals which is to win this very prestigious tournament,” pahayag ni So sa website ng torneo.
Nagpasyang manirahan at mapabilang sa US chess team si So nang mabigong makuha ang ayuda at suporta ng Philippine Chess Federation.