Paula Shugart_FOR BANNER 2 copy

INILARAWAN ni Miss Universe Organization (MUO) President Paula Shugart kahapon ang pagiging punong-abala ng Pilipinas sa prestihiyosong beauty pageant na ‘best show’ sa lahat ng kanyang nagawa.

“This is the best show I’ve ever done. I’m honored to have a panel that consists of former winners,” saad ni Shugart nang humarap sa media conference makaraang tanghalin si Miss Francis Iris Mittenaere bilang bagong Miss Universe.

Binigyan ni Shugart si dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson na bahagi ng pageant host committee, sa pamamagitan ng LCS Group of Companies, ng sash na may nakasulat na “Mister Universe” bilang simbolo ng kanyang pasasalamat sa matagumpay na hosting ng bansa.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Sa panayam ng mga mamamahayag, inihayag ni Singson na kahit hindi napanalunan ni Miss Philippines Maxine Medina ang korona, panalo pa rin ang lahat ng mga Pilipino lalung-lalo sa inaasahang paglakas ng turismo sa bansa dahil sa isinagawang event.

“She did her best. That’s how it is in beauty pageants. But I don’t consider it a loss because the country’s hosting of the pageant is also an investment,” ani Singson.

Ayon kay Department of Tourism (DoT) Secretary Wanda Corazon Teo, ang epekto ng pagho-host ng bansa ay “lots of tourists would come.”

Sinabi rin ni Teo na pinatunayan nito na ang Pilipinas ay “still safe” dahil naipasyal nang ligtas ng ahensiya ang 86 na kandidata sa iba’t ibang probinsiya ng bansa tulad ng Vigan, Cebu, at Davao.

Inilahad ni Teo na umaasa siya na ang susunod na laban ng boksingero at ngayon ay Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao sa Australian boxer na si Jeff Horn ay magaganap sa Pilipinas sa halip na sa dalawang bansang kinukonsidera – sa Australia o sa United Arab Emirates (UAE).

Isa si Pacquiao sa mga VIP na dumalo sa coronation show. Katabi niya sa upuan ang kinakasama ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avaceña. Hindi nakadalo si Pangulong Duterte sa pageant kahit kabilang ito sa mga imbitado.

BAGONG AD NG DOT

Nagkaroon din ng international debut ang bagong DoT TV commercial sa Miss Universe pageant. Itinampok nito ang tourist destinations at ang mga kasagutan sa katanungan kung bakit “It’s More Fun in the Philippines.”

Napanood sa TVC ang pagbisita ng isang turistang lalaking dayuhan sa Enchanted River sa Surigao at habang namamangha sa tanawin ay nilapitan siya ng isang Pilipina.

“The fish are eating, so should too, anak,” saad ng babae na nag-alok ng kakanin na kinakain din ng kanyang mga anak.

Pinasalamatan siya ng turista, tinikman ang pagkain at nagtanong kung ano ang kahulugan ng anak, “it means ‘my child.” Ipinakilala siya bilang si Jack Ellis, isang traveller. Natapos ang komersiyal sa quote na: “When you’re with Filipinos, you’re with family.”

Binuo ang TVC sa tulong ng global advertising agency na McCann Erickson, na nanalo sa bid para idebelop ang slogan sa dating administrasyon ni dating DoT Secretary Ramon Jimenez Jr.

Nang tanungin sa tugon ng pangkalahatan, saad ni Teo: “The crowd loved it!”

“Everybody liked the DoT ad, even the foreigners, it reflects the hospitality of the Filipino people. Everybody loved the new ad because it’s touching,” dagdag niya.

Umaasa rin si Teo sa tagumpay ng mga susunod pang pagho-host ng bansa sa ilang pandaigdigang okasyon tulad ng pinakamalaking gastronomic event na Madrid Fusion Manila, UN World Tourism Organization (UNWTO) conference at ang susunod na laban ni Pacquiao.

May ilang kandidata ng Miss Universe na nagpahayag ng interes na bumalik sa Pilipinas, dagdag niya. Inaasahan ng DoT na aabot sa ng mga pitong milyong turista ang darating ngayong taon. (PNA)