MULA nang ilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang giyera kontra ilegal na droga na nagreresulta sa pagpatay sa mga pinaghihinalaang drug pusher at user, bilang pakikiisa, may mga mayor naman sa mga bayan at lungsod sa mga lalawigan sa iba’t ibang panig ng ating bansa na naglunsad ng programa upang matulungan ang mga drug user at pusher na sumuko at tinulungang magbagong-buhay.

Ang litanya ng mga pulis: nanlaban at nang-agaw ng baril ang mga napatay. Kapansin-pansin na ang mga naitumba ay pawang nakasuot ng tsinelas. Mabibilang sa daliri ang mga naitumbang drug pusher at kasama rito ang mayor ng Albuera, Leyte na nasa kulungan na ay pinatay noong madaling araw ng Nobyembre 5, 2016. Nakipagbarilan umano sa mga pulis na magsisilbi ng search warrant. Wala naman magawa ang mga magulang, kamag-anak at mahal sa buhay ng mga napatay kundi ang manangis, sumigaw at humingi ng katarungan na parang suntok sa buwan at sabunot sa panot.

Sa kampanya kontra ilegal na droga mula noong Hulyo hanggang ngayong magtatapos na ang Enero 2017, umaabot na sa 7,000 ang napatay sa mga police operation.

Sa Antipolo, bagong buhay ang naghihintay sa mahigit 200 sumukong drug user sa Barangay San Luis, Antipolo sapagkat tinapos nila ang “Community Based Rehabilitation Program (CBRP)” sa ilalim ng “Tayo na Kontra Droga”. Isa sa mga programa ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares. Ang mga nagtapos sa Rehab Program ay tumanggap ng... certificate at Bibliya.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat

Nagpahayag ng kasiyahan si Mayor Jun Ynares sa matagumpay na pagtatapos ng mga matatapang na sumukong drug user na malaki ang pagtitiwala sa programa ng lokal na pamahalaan. Ipinagmalaki rin ni Mayor Ynares ang mga nagtapos sa Rehab Program sapagkat maituturing at magsisilbing bagong mukha ng pag-asa.

Katuwang sa Rehab Program si Barangay San Luis Chairman Crisol Cate, Sr.; ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang ilang ahensiya ng Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga (MASA-MASID). (Clemen Bautista)