Nagtamo ng malalim na sugat sa ulo ang isang kargador nang tagain ng isang tindero dahil sa pagkabigong maibalik ang manok na panabong sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital si Aries Mariano, 41, binata, at residente ng 1710 Old Antipolo Street sa Sta. Cruz.

Samantala, pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek na kinilala sa alyas na “Nelson Atienza”, nagtitinda ng buko.

Sa ulat ni Police Supt. Santiago Pascual III, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 3, dakong 5:30 ng hapon nang maganap ang pananaga sa kanto ng P. Guevarra St., at Blumentritt St., sa Sta. Cruz.

National

Eastern Police District, nakaantabay na sa pagbubukas ng klase sa June 16

Una rito, kinompronta umano ni Atienza si Mariano dahil ninakaw umano nito ang kanyang manok na panabong noong Sabado.

At dahil hindi umano maibalik ni Mariano ang manok ng suspek ay nagalit ito at kumuha ng palakol at hinabol ang biktima saka tinaga sa ulo.

Nang makitang duguan na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman ang una sa ospital upang malunasan. (Mary Ann Santiago)