Lindsay copy

BUMALIK na sa Instagram si Lindsay Lohan.

Sinalubong ng aktres, 30, ang bagong taon sa pagbura ng lahat na Instagram post niya. Ngunit nitong Biyernes, bumalik si Lindsay sa pagpo-post ng larawang kuha sa isang pagpupulong kasama si Recep Tayyip Erdogan, ang Pangulo ng Turkey.

“What a dream it is for Mr. President Erdogan and The First Lady to invite me to their home. Their efforts in helping Syrian Refugees is truly inspiring #peace starts now @a_boynukalin @hilalkaplanogut @rterdogan please for peace @therealdonaldtrump Alaikum Salam #cleanslate2017 #theworldisbiggerthan5,” caption ni Lindsay na may karugtong pang “Alaikum Salam” na isang Arabic greeting na nangangahulugang “Peace be unto you.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ito marahil ang kanyang tugon sa executive order ni US President Donald Trump na pansamantalang nagbabawal sa mga refugee na makapasok sa U.S., at pansamantala ring nagbabawal sa mga mamamayan mula sa ilang Muslim country na pumasok sa U.S.

Kasama nina Erdogans at Lindsay ay si Bana Alabed, ang batang babae na nakilala nang mag-tweet tungkol sa kanyang buhay at hindi magandang karanasan sa gitna ng civil war sa Aleppo. Nagbahagi rin si Alabed ng larawan sa Twitter, na may caption: “Meeting with my friends@rt_erdogan, Emine and @lindsaylohan to support the people of Syria.I am searching the rights of the Syrian children.”

“We want to send to all of the people in Syria and all the people who are suffering and all the refugees that we are here supporting you and you can hang on. Be strong, just like Bana has and we’re sending you lots of love and light and blessings,” saad ni Lindsay sa isang Periscope video na ipinost sa Twitter account ni Alabed. (People.com)