HINDI magiging madali sa La Salle na maidepensa ang korona, higit at pawang masidhi ang hangarin ng anim na koponan na maagaw ang titulo sa pagpalo ng UAAP Season 79 women’s volleyball championship.

Target ng Green Archers na maitala ang back-to-back championship sa kabila ng pagkawala ng mga pamosong spikers na sina Ara Galang, Cyd Demecillo, middle blockers Mika Reyes at Carol Cerveza, habang si Eli Soyud ay lumipat ng eskwelahan.

Ngunit, kumpiyansa si veteran setter Kim Fajardo na makakaalpas ang Lady Archers.

Makakasama niya sina Kim Dy, last season’s Finals MVP, at nagbabalik na sina Majoy Baron at libero Dawn Macandili.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaasahan ang pagbalikwas ng Ateneo, nagwagi sa nakalipas na tatlong season sa pangunguna ni superstar Alyssa Valdez, sa pagkamada ngayon nina Jho Maraguinot, Bea de Leon, Maddie Madayag at setter Jia Morado.

Kumpiyansa rin si Thai coach Tai Bundit sa nagbabalik laro sina Michelle Morente, rookie Jules Samonte at Kat Tolentino.

Handa ring makipagsagupa ang Far Eastern University, University of the Philippines at Adamson na kumuha ng American coach para palakasin ang kampanya.

Hindi rin matatawaran ang National University na sasandigan ni National player Jaja Santiago, gayundin ang University of the East at santo Tomas.

Magsisimula ang aksiyon sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum, tampok ang laro sa pagitan nng Ateneo at UST ganap na 4:00 ng hapon.

Ang itinalagang commissioner ngayong season ay si Otie Camangina, secretary-general ng Philippine Volleyball Federation (PVF).