Hindi pa naiisip ni Pangulong Duterte ang pagdedeklara ng martial law sa kabila ng banta sa seguridad ng Islamic extremists sa Mindanao.

Nagpahayag ng kumpiyansa ang Pangulo sa kakayahan ng mga tropa ng gobyerno sa pagtupad sa kanilang tungkulin na hindi na kinakailangan pang magdeklara ng martial law sa ngayon.

Pero inamin ni Duterte na mapipilitan siyang ibagsak ang martial law kung may masigasig na panawagan ang mga mamamayan para rito.

“When the time comes that they will be asking for it, I’ll give it to them,” sabi niya sa isang press conference sa Malacañang nitong Linggo ng gabi.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinabi rin ni Duterte pag-iisipan niyang mabuti bago niya isagawa ang naturang pang-ehekutibong aksiyon.

“Remember this Philippines, kung kayo na ang maghingi, magsabi kayo, ‘Mr. President, declare tayo ng martial law.’ Sabihin ko, ‘mag-isip muna ako.’ But when the time comes na ang tao na ang maghingi, ibibigay ko,” sabi niya.

Sa kasalukuyan, sinabi ng Pangulo na “satisfied” siya sa mga operasyong isinasagaw ng militar at pulisya para mapanatili ang kapayapaan sa bansa. “I’m quite adept with what is available to me now. Tutal nakakagalaw man sila.

They are doing their duty,” aniya.

Sinabi ng Pangulo na nag-atas siya ng “full press” military operations laban sa ISIS-linked group na pinamumunuan ni Isnilon Hapilon ng Abu Sayyaf.

Umapela rin siya ng tulong sa China na tulungan ang pamahalaan sa anti-terror operations nito.

“I have an urgent message to China to help us kung meron silang precision-guided arms, they can give us a loan,” sabi niya. (Genalyn D. Kabiling)