Nagpasya ang ilang transport group na hindi sumali sa “tigil-pasada” o protestang ikakasa ng mga driver at operator sa Lunes, Pebrero 6, kaugnay ng planong alisin sa mga lansangan ang mga lumang jeep.
Ito ang inihayag sa pagpupulong ng mga lider ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Pasang Masa, Liga ng mga Tsuper at Operators ng Pilipinas, at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP).
“We will continue serving the public on February 6,” ayon kay Obet Martin, lider ng Pasang Masa, na may mahigit 100,000 miyembro sa Metro Manila.
“We were assured that there is no phase out of vehicles but phasing in of new and modern jeepneys,” dugtong ni Martin.
Ayon naman kay FEJODAP leader Zeny Maranan, isinasapinal na ang financial assistance o loan scheme para makabili ng bagong unit na gagamitin sa pamamasada.
“The government is willing to support us looking for a loan from banks,” diin ni Maranan. (Bella Gamotea)