GLORIA AT MAXINE copy

“ONDERS (thunders as in matanda) na kasi siya kaya insekyora na. Ayaw niya kasi ng may susunod na Ms. Universe na galing Pilipinas para hindi pa rin siya nakakalimutan!”

Ito ang isa sa mga obserbasyon ng mga beki sa naging kontrobersiyal na komento ni 1969 Miss Universe Gloria Diaz kay Maxine Medina.

Hindi nagustuhan ng netizens ang naturang komento kay Maxine na umabot lang sa Top 6 kahapon sa Miss Universe 2017 pageant.

Kahayupan (Pets)

May sakit na, inabandona pa ng pamilya? Fur mom, umapela para sa rescued cats

Kaya ngayon, marami naman ang nagsasabi na nagpakatotoo lang naman si Gloria Diaz sa mga sagot nito sa mga interview.

Kaliwa’t kanan ang bashing na inabot ni Ms. Gloria sa netizens at kung anu-ano na ang sinabi tungkol sa kanya, na kesyo nga insecure at gustong pinag-uusapan pa rin.

Katwiran namin sa mga beki, opinyon niya iyon na hiningi ng mga nag-interview.

Pero dahil kaliwa’t kanan na nga ang basher ay biglang kumambiyo ilang araw bago ginanap ang coronation, na si Maxine na raw ang mananalo at normal lang daw na nabago ang pahayag niya dahil si Presidente Rodrigo Duterte nga ay nagbabago rin ang sinasabi.

“Nakakaloka siya, may ____,” hiyaw ng mga beki nang mapanood ang panayam ni Katotong Ahwel Paz kay Gloria Diaz.

Pero sa kabilang banda nga, tama naman ang mga sinabi niya tungkol kay Maxine.

Anyway, bakit ba kasi kumuha pa ng interpreter itong si Maxine, eh, marunong naman pala siyang magsalita ng English?

Sana diniretso na lang niya ng Tagalog para na-express niyang mabuti ang sagot niya. (REGGEE BONOAN)