SI Miss France Iris Mittenaere ang ika-65th Miss Universe na pinutungan ng coveted crown nang iproklamang winner kahapon sa Mall of Asia (MOA) Arena.

Siya ang humalili kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nariritio ang ilang “fun facts” tungkol sa kanya ayon sa profile niya sa Miss Universe Organization (MUO):

1) Ang bigkas sa kanyang first name na Iris ay “Ih-ris” at hindi “Ay-ris.”

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

2) Siya ay 23 taong gulang.

3) Isinilang siya sa bayan ng Lille sa North of France.

4) Limang taon na siyang nag-aaral ng Dental Surgery. Bago pa man nanalo ay sinabi na niya na kapag naiuwi niya ang korona, magiging advocacy niya ang dental at oral hygiene.

5) Mahilig siya sa extreme sports, travel at pagluluto.

6) Inilalarawan niya ang sarili bilang “fresh, funny and caring.”

7) Maligaya siya kapag may napapasayang ibang tao, lalo na kapag nagbo- volunteer siya sa Bienvenue-Tongasoa at Les Bonnes Fées.

8) Siya ang ikatlong Miss Universe na kinoronahan sa Pilipinas. Ang naunang dalawa pa ay sina Miss Universe-Spain Amparo Muñoz (1974) at Miss Universe-India Sushmita Sen (1994).

9) Pangalawa pa lamang siya sa dalagang Pranses na nanalo ng coveted crown. Tinapos niya ang 63-year title drought simula nang manalo si Christiane Martel noong 1953.

10) Ang beauty queen mula sa France ay maninirahan sa New York City sa loob ng isang taong reign at magiging spokesperson para sa iba’t ibang adhikain. (PNA)