Mga Laro Ngayon (San Juan Arena)
9 n.u. -- EAC vs Perpetual (Jrs)
11:30 n.u. -- Perpetual vs San Beda (SDS )
2 n.h. -- St.Benilde vs Arellano (srs)
4 pm San Beda vs.St.Benilde (w)
MAKAMIT ang karapatang lumaban para sa huling final berth ang tatangkain ng San Beda College at College of St.Benilde sa pinakaimportanteng laro ngayon sa kanilang pagtutuos sa tampok at nag-iisang women's match sa NCAA volleyball tournament ngayong hapon sa pagsisimula ng kanilang stepladder semifinals sa San Juan Arena.
Ganap na 4:00 ng hapon ang laban ng 4th seed San Beda at 3rd seed St.Benilde matapos ang dalawang semifinal match sa men's division at ng pambungad na laro na unang stepladder semis game sa juniors division.
Magtutuos para sa unang stepladder semis match sa juniors division ang Emilio Aguinaldo College at University of Perpetual Help ganap na 9:00 ng umaga na susundan ng unang Final Four game sa men's division sa pagitan ng second seed at defending champion Perpetual Help Altas at 3rd seed San Beda Red Lions ganap na 11:30 ng umaga bago ang ikalawang laban sa pagitan ng top seeded St.Benilde Blazers at 4th seed Arellano University Chiefs ganap na 2:00 ng hapon.
Makakatunggali ng second seed at twice-to-beat Arellano Braves ang magwawagi sa unang laban sa pagitan ng EAC at Perpetual para sa karapatang makalaban ang outright juniors finalist Lyceum of the Philippines.
Parehas namang may taglay na twice-to-beat advantage dahil sa pagtatapos na top two seeds sa men's division ang St.Benilde at Perpetual Help, ayon sa pagkakasunod.
Para naman sa laban ng Lady Blazers at Red Lionesses, ang magwawagi ang makakatapat ng second seeded at may bentahe ring twice-to-beat na Arellano Lady Chiefs kung saan ang mananalo ang hahamon sa naghihintay na San Sebastian College Lady Stags sa finals.
"We hope to maximize our strength which is blocking but we must also improve our floor defense and reception," pahayag ni Lady Blazers coach Michael Cariño.
Muling sasandig ang CSB kina Jeanette Panaga at Ranya Musa para pamunuan ang kanilang koponan laban sa San Beda na aasahan naman sina Rebecca Cuevas, Cheska Racraquin at Nieza Viray. (Marivic Awitan)