Isang bangkay ng lalaki na may tama ng bala sa ulo ang inabandona sa isang bakanteng lote sa Barangay Pag-asa, Quezon City, iniulat kahapon.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 30-35.
Sa inisyal na ulat ni SPO3 Michael Norbanita, dakong 5:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay sa bakanteng lote sa Kamias Street, Barangay Pag-asa, Quezon City.
Bukod sa isang tama ng bala sa ulo, nadiskubre rin ang isang karton na nakapatong sa bangkay ng biktima na may nakasulat na “HUWAG AKO, IBA NA LANG”.
Ayon sa pulisya, posibleng sindikato ang nasa likod nito at sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing lugar. (Jun Fabon)