Nakalinya na ang serye ng mga pagpupulong para sa mga minister at matataas na opisyal ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) simula ngayong Martes, Enero 31 hanggang Pebrero 22, sa iba’t ibang lugar sa Davao City.

Sinabi ng Police Regional Office na full alert para magbibigay ng seguridad ang pulisya, militar, at iba pang grupo gaya ng Task Force Davao.

Halos 1,500 security personnel kabilang na ang mga miyembro mula sa AFP, iba pang ahensiya ng pamahalaan, EOD, K9 units at Road Discipline Teams ang itinalaga para magpanatili sa katahimikan at kaayusan, ayon kay PRO spokesperson Andrea dela Cerna. (Yas D. Ocampo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?