ECHAGUE, Isabela - Dalawang sundalo ang kumpirmadong napatay matapos tambangan sa Barangay Mabayad sa Echague, Isabela.
Ayon sa report, dakong 8:45 ng umaga kahapon nang isagawa ang ambush na ikinamatay ng hindi pa napapangalanang mga tauhan ng Philippine Army.
“Two personnels of BT operators of 86IB (Infantry Battalion), while on their way to facilitate the TWG were ambushed by unidentified armed group at Barangay Mabayad, Echague, Isabela,” ayon sa report na tinanggap ng Isabela Police Provincial Office. (Liezle Basa Iñigo)