Dead on the spot ang isang lalaki matapos umanong tumalon mula sa balkonahe ng kanyang pinagtatrabahuhan na matatagpuan sa ika-14 na palapag ng isang condominium tower sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si John Kerwin Lipurada, 28, cook ng Calalang Law Office na matatagpuan sa Unit 1404, 14th floor, España Tower, Josefina Street corner, Espana St., Sampaloc.

Sa ulat ni PO3 Roderick Magpale, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 4:50 ng madaling araw nangyari ang insidente.

Sa salaysay sa pulisya ng mga guwardiya ng nasabing condominium tower, nakarinig sila ng malakas na kalabog sa Josefina Street at nang kanilang tingnan ay bumulaga ang duguang bangkay ng biktima.

National

Eastern Police District, nakaantabay na sa pagbubukas ng klase sa June 16

Ayon kay Rowena Reyes, tiyahin ng biktima, may epilepsy si John at may mga pagkakataon na bigla na lang itong tumatakbo kapag inaatake ng sakit.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari. (Mary Ann Santiago)