MELBOURNE, Australia (AP) — Nakisaya ni Abigail Spears sa nakahandang pagdiriwang sa Australian Open "30-fun" party nang makamit ang mixed doubles title.

Nakipagtambalan ang 35-anyos na si Spears kay Juan Sebastian Cabal ng Columbia para gapiin sina second-seeded Sania Mirza at Ivan Dodig, 6-2 6-4, sa final nitong Linggo sa Rod Laver Arena.

Nagsumikap si Spears para sa kauna-unahang Grand Slam title bago ang pagreretiro matapos ang mahabang panahon sa Tour. Dalawang beses siyang naging runner-up sa mixed doubles katambal si Mexican Santiago Gonzalez sa U.S. Open noong 2013 at 2014.

Ang tagumpay nina Spears at ng 30-anyos na si Cabal ang nagpatatag sa tema ng Open kung saan nakasentro ang atensyon sa mga players na may edad 30-pataas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagkampeon si Serena Williams sa dad na 35 laban sa kapatid na si Venus na edad 36, habang nagtututos sa men’s single finals sina Roger Federer (35) at Rafael Nadal (30).