WASHINGTON (AFP) – Itinuturing ng White House na “significant start” sa pagpapabuti ng relasyon ng Washington at Moscow ang pag-uusap sa telepono nina President Donald Trump at Russian leader Vladimir Putin noong Sabado.

Sa isang oras na pag-uusap sa telepono, na tinawag ng White House na “congratulatory call” mula kay Putin, tinalakay ng dalawang lider ang pagtutulungan laban sa grupong Islamic State.

‘’The positive call was a significant start to improving the relationship between the United States and Russia that is in need of repair,’’ pahayag ng White House.

Nauna rito, sinabi ng Kremlin na nagkasundo sina Putin at Trump na pagyabungin ang relasyon ‘’as equals’’ at magkaroon ng ‘’real coordination’’ laban IS.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina