maxine copy

SINAGOT ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz ang bashers sa social media na hindi siya tinatantanan nang sabihin niya na “one in a million” ang tsansa ni Miss Universe Philippines Maxine Medina na manalo sa 65th Miss Universe competition dahil tayo ang host country. 

Kahit nagpaliwanag na, ayaw pa ring paawat ng bashers, kaya si Gloria Diaz na ang bumaba sa kanyang trono at pinagbigyan sila. 

Sa panayam sa DZMM nitong Sabado, sinabi ni Gloria na magsisinungaling siya kung sasabihin niyang tiyak na si Maxine ang papalit kay Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach, at makukuha ng Pilipinas ang pambihirang back-to-back titles sa kasaysayan ng pageant.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

“Like I always say, everybody has a chance. But I think, out of everyone, Maxine will have the least,” aniya sa hosts na sina Ogie Diaz at MJ Felipe. “But of course there can be an exception. There can be one exception and I hope this is the exception. People don’t understand that it’s very rare (for a host country’s candidate to win).” 

Natatawang dagdag pa niya, “Bakit ko pa kayo bobolahin? But people are misunderstanding that I don’t like Maxine.

Don’t forget that Maxine looks like Isabelle (daughter niya), I mean they are the same type: Filipina beauty, morena and all that. She (Maxine) is beautiful at ang ganda pa nga gown niya. It looks so nice, her gown and make-up. But don’t forget that we are the host.” 

Ipinagtanggol ni Gloria ang sarili at sinabi na ang tanging host delegate na nanalo sa pageant ay nagmula sa US, o sa iba pang teritoryo nito, gaya ng Puerto Rico.

Ayon pa kay Gloria, na-misinterpret lang ng mga kritiko ang kanyang opinyon.

“I’ll be rooting for Maxine, people don’t realize that,” ani Diaz, sinabing manonood siya ng coronation ngayong Lunes.

At para kumalma na ang mga basher, pabiro niyang sinabi na: “Sige na nga, I was just joking. Actually, Maxine is the one talaga who is going to win. Oh, okay na ba sila? Bakit? Si (President Rodrigo) Duterte nga nagbabago ang isip, eh, di ako rin.” (Chel Quitayen)