PINANGUNAHAN ng mga dating national team member na sina Jovelyn Gonzaga, Dindin-Santiago Manabat at kapatid na si Jaja ang kabuuang 37 mga manlalaro na nagpakita sa unang araw ng tryout nitong Sabado para sa national women’s volleyball team na isasagupa sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games.

Naging masaya ang kapaligiran sa animo’y reunion ng mga premyadong collegiate at commercial player nang magsama-sama sa Arellano University gym sa Taft Avenue sa Manila.

Nagpakita rin sa idinaos na tatlong oras na workout at physical exam sina Abby Marano, Denden Lazaro, Jen Reyes,Myla Pablo at Ellaine Kasilag.

Hindi sumali si Jaja Santiago sa ginawang workout ngunit sinabi naman nito na posibleng sumali siya sa susunod.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nauna nang hindi pinahintulutang sumali ang mga manlalaro ng National University at San Sebastian College sa tryouts upang makapag focus sila sa kani-kanilang liga.

Magsisimula na ang Final Four ng NCAA volleyball tournament habang magsisimula na ang aksiyon sa UAAP sa susunod na buwan.

"Masaya naman ako sa turnout," ayon kay national team coach Francis Vicente.

Nakatakda ring magsagawa si Vicente ng tryouts sa probinsiya sa darating na Pebrero 18 at 19 sa Cebu at Pebrero 23-25 sa Davao.

Ang iba pang mga manlalarong lumahok sa unang araw ng Manila tryout ay sina Cherry Rondina, Ria Meneses, Chloe Cortez, Carla Sandoval, Mary Pacres, Alyssa Teope at Alina Bicar ng University of Santo Tomas,Shaya Adorador, Kathleen Arado, Mary Anne Mendrez, Jasmine Alcayde at Roselle Baliton ng University of the East, University of the Philippines middle blocker Kathy Bersola, University of Perpetual Help spiker Lourdes Clemente, Ivy Perez,Bia General,Rhea Dimaculangan,Maika Ortiz,Bang Pineda, Genevieve Casugod, Rica Diolan, Arellano Jovielyn Prado, Camille Victoria, Zilfa Olarve, Angelica Macabalitao, Kristine Magallanes atRenalyn Hachero. (Marivic Awitan)