Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

3 n.h. – Tanduay vs Wangs

5 n.h. – Cafe France vs Cignal

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

TILA nagpahiwatig ng matinding mensahe ang koponan ng Café France nang simulan ang kampanya sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa pamamagitan ng 83-67 paglampaso sa Tanduay noong nakaraang linggo.

Ngayong hapon, tatangkain nilang maipagpatuloy ang nasimulan sa pakikipagtunggali kontra Cignal-San Beda sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Hindi naitago ni coach Egay Macaraya ang kanyang kagalakan sa ipinamalas ng kanyang koponan partikular ng mga bago nilang recruits na sina Paul Desiderio at Michael Calisaan.

“My recruits stepped up and that’s the positive for us. Hopefully, that continues and everybody starts jelling,” ani Macaraya.

Gayunman, hindi sila puwedeng basta na lamang humarap kontra sa Hawkeyes na naghahangad makabawi mula sa natamong unang kabiguan sa kamay ng AMA Online Education (85-94) noong Martes.

Ayon kay Cignal-San Beda coach Boyet Fernandez hindi nangangahulugan ang kanilang pagkatalo sa unang laro ng pagkawala ng kumpiyansa sa kanyang mga manlalaro.

“We just had to learn from the mistakes we had and look forward for our next game,” pahayag ni Fernandez.

“It will be a tough one but it will help the players mature right away. If we get the maturity, we’ll be ready every game,” aniya.

Magtatagpo ang dalawang koponan sa tampok na laro ganap na 5:00 ng hapon matapos ang sagupaan ng Tanduay at Wangs Basketball na hangad din ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang pagtutuos ganap na 3:00 ng hapon.

Tinalo ng Wangs sa una nilang laro ang Victoria Sports-MLQU noong nakaraang Huwebes. (Marivic Awitan)