Patay ang isang ginang makaraang mahulog at mabagok sa pagharurot ng bus na kinalululanan nito sa EDSA, Balintawak, Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Chief Insp. Erlito Renegin, hepe ng Traffic Sector-1 ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU), ang biktima na si Purita Morga Bo, 49, ng Purok Maligaya, Caloocan City.

Kusa namang sumuko si Edwin Salcedo, 51, driver ng CEM Transport bus (TYP 388), at residente ng Meycauayan, Bulacan.

Sa imbestigasyon ng QCDTEU, dakong 10:30 ng umaga kahapon nangyari ang aksidente sa may EDSA, Balintawak, Quezon City.

National

Eastern Police District, nakaantabay na sa pagbubukas ng klase sa June 16

Galing sa Alabang ang bus na minamaneho ni Salcedo patungong Malanday at pagsapit sa may Caltex sa LRT station ay nagbabaan ang mga pasahero.

Hindi umano akalain ni Salcedo na hahabol sa pagbaba si Purita dahilan upang ito’y mahulog at mabagok. (Jun Fabon)