TARLAC CITY - Isa sa apat na babaeng mandurukot sa paligid ng San Sebastian Cathedral sa Barangay Cut-Cut 1st, Tarlac City, ang nalambat ng mga awtoridad kahapon ng umaga.
Sa report ni PO3 Benedict Soluta kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, arestado si Mercy Domingo, 63, dalaga, ng Bgy. Carmen West, Rosales, Pangasinan, habang nakatakas at pinaghahanap na ang tatlong kasamahan nito, na ang isa ay nakilalang si Lita Ulep.
Dinukutan umano ng grupo ni Domingo si Rosendo De Lara, 68, may asawa, ng Sitio Buno, Bgy. Matatalaib, Tarlac City, na natangyan ng wallet na naglalaman ng gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P50,000, at P5,000 cash.
(Leandro Alborote)