Nasamsam ng pulisya ang aabot sa 10.2 kilo ng shabu, na nagkakahalaga ng P121 milyon, sa ikinasang buy-bust ng Cebu City Police Office (CCPO) sa Cebu City, nitong Sabado ng gabi, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ni Senior Supt. Joel Doria, hepe ng CCPO, ginawa ang raid dakong 9:00 ng gabi sa Barangay Basak Saniclolas sa Cebu City.

Sinabi ni Doria na Senior Supt. Dorian a nakumpiska ang nasabing bulto ng shabu mula sa mag-asawang Mark at Mercy Abellana, na sinasabing supplier ng shabu sa Cebu City.

Ayon pa kay Doria, ang shabu ay nanggagaling umano sa kapatid ni Mark na nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kakasuhan ngayong Lunes ang mag-asawa sa piskalya ng Cebu City sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

(Fer Taboy)