WASHINGTON (AP) – Nagpataw si President Donald Trump ng lifetime ban sa mga opisyal ng administrasyon na mag-lobby para sa mga dayuhang gobyerno, at limang taon para sa iba pang uri ng lobbying.
Ginamit ni Trump ang kanyang executive authority nitong Sabado upang isakatuparan ang pangako niya noong kampanya na “drain the swamp” sa Washington.
Sinabi ni Trump na ang mga nais magtrabaho para sa kanya ay dapat na magpokus sa kanilang trabaho para sa mamamayang Amerikano, at hindi sa kikitain sa hinaharap na makukuha sa paggamit ng kanilang impluwensiya matapos magsilbi sa gobyerno.