NAPALITAN ng tuwa ang lungkot ng Encantadiks sa pag-aakalang tuluyan nang mawawala sa Encantadia si Kylie Padilla dahil namatay ang karakter nitong si Reyna Amihan. 

Nag-iyakan na nga ang Encantadiks at may mga nagalit pa kina Direk Mark Reyes, head writer na si Suzette Doctolero at pati sa GMA-7.

Sabi ng mga nagalit na fans ni Kylie, hindi sapat na rason ang pagbubuntis para alisin siya sa show. Puwede raw gawan ng paraan na manatili siya sa Encantadia hangga’t kaya niya at hindi maaapektuhan ang pagbubuntis.

Kahit sinabi na ni Direk Mark na mananatili saEncantadia si Kylie at hindi siya papalitan, tuloy pa rin ang kuda ng iba. May mga nagbanta pa ngang hindi na manonood ng fantaserye dahil wala na si Kylie.

Pelikula

Remastered ‘Jose Rizal’ movie, eere na sa Netflix sa Rizal Day

Kaya nagulat ng mga nagalit, umiyak at nagbantang fans dahil nang muling bumalik ang karakter ni Kylie ay mas matapang, mabangis at mas palaban. 

Kaya nagsasaya ang Encantadia fanatics. Nag-thank you sila kay Direk Mark, pero wala kaming nabasang nag-sorry sa masasakit na salitang nabitawan nila.

Samantala, sa pagbabalik ni Reyna Amihan, isa na siyang Ivtre at bago na ang costume. Mapapasabak na naman siya sa matinding pakikidigma laban sa mga Hathor. (Nitz Miralles)