Umaasa ang isang opisyal ng Simbahang Katoliko na hindi itatago ang gobyerno ang kahirapan sa pagdaraos ng Miss Universe coronation ngayong araw.

Sinabi ni retired Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz na dapat makita ng mundo ang kahirapan sa bansa.

“Why hide them (poor)? That is the truth. To hide them is falsity,” aniya sa isang panayam.

Madidismaya man ang ilang bisita sa makikitang kahirapan, sinabi ni Cruz na mas mabuting malaman nila ang katotohanan.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“Better tell them the truth and reality than they expect something which is not there. The truth has no alternative,” ani Cruz. (Leslie Ann G. Aquino)