Umaasa ang Department of Labor and Employment (DoLE) na mapipigilan ang pagbitay kay Elpidio Lano sa Kuwait matapos na magtakda ang kagawaran ng pakikipagpulong sa pamilya ng kapwa Pilipino na umano’y pinatay ni Lano.

Sinabi ni DoLE Secretary Silvestre Bello III na makikipagpulong sila sa asawa ni Nino Macaranas, ng Cagayan de Oro, upang ihingi ng kapatawaran si Lano.

Taong 2014 nang sinentensiyahan si Lano ng Kuwait Court of First Instance kaugnay ng umano’y pagpatay kay Macaranas. Gayunman, wala pang petsa kung kailan bibitayin si Lano.

“We are set to meet with the wife of the victim, Nino Macaranas, and try to convince her to just forgive or settle for blood money,” pahayag ni Bello sa isang panayam.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Bello na isang magandang senyales ang pagtanggap ng pamilya ni Macaranas sa kanilang imbitasyon.

(Samuel Medenilla)