Tutol si Balanga Bishop Ruperto Santos sa planong deployment ban ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait dahil sa mga ulat ng pang-aabuso ng employers.

Ayon kay Santos, chairman ng Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa halip na ipagbawal ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait, ang dapat gawin ng pamahalaan ay tuparin ang pangakong trabaho sa lahat ng Pilipino upang hindi na sila maghanapbuhay sa ibang bayan.

“Temporarily banning works in Kuwait is not the answer, it will just create difficulties to our people,” ani Santos.

Nanawagan din siya sa pamahalaan na tiyaking nabibigyan ng kaukulang atensyon ang mga OFW. “We have to accompany and always assist our OFWs there, be always available to them and attend to their needs-legal, economic and spiritual,” aniya pa. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?