Nilimas ng tatlong lalaki ang mga pera at gamit ng mga pasahero, driver at konduktor ng isang pampasaherong bus sa Ermita, Maynila kamakalawa.
Kaagad nagtungo sa Manila Police District (MPD)-Station 5 sina Sebolino Marcos, 43, driver ng Calamba Mega Transport (AAI-9628), may rutang Lawton-Calamba; at Jayson Abustan, 29, konduktor, kapwa taga-Pagsanjan, Laguna, para i-report ang insidente na naganap dakong 9:00 ng umaga sa panulukan ng Pedro Gil Street at Taft Avenue.
Nagawang makilala ang isa sa tatlong suspek na si Michael Lorenzo, 38, umano’y miyembro ng “Sputnik” gang at residente ng 738 E. Rodriguez Street, Pasay City habang inilarawan naman ang kanyang mga kasama na nakasuot ng jacket at bull cap.
Ayon sa mga biktima, umakyat ang mga suspek sa bus at sila’y tinutukan ng baril at mabilis na nagsibaba nang makuha ang kanilang mga gamit.
Nagsasagawa na ng follow up operation para mahuli ang mga suspek. (Mary Ann Santiago)