PUNUMPUNO naman yata ng galit ang puso ni Aljur Abrenica at lumabas ito mula nang mabalita at makumpirmang buntis si Kylie Padilla at engaged na sila.
Unang nagalit si Aljur sa Vidanes Celebrity Marketing, ang management company ni Kylie dahil inunahan daw sila ni Kylie na i-announce ang kanilang engagement. Hindi raw nagpaalam sa kanila ang grupo ng manager ni Kylie na si Betchay Vidanes.
Galit din si Aljur sa GMA-7 dahil ginagamit daw ng network ang pagbubuntis ni Kylie para mai-promote ang Encantadia.
Sabi ni Aljur sa interview ng PEP, “I’ve read several articles, di ba? Sadly, nangyayari siya. Ginagamit ‘yung sitwasyon niya, ‘yung pregnancy niya. ‘Tapos sa huli, ipu-promote ‘yung isang show. And I’m not really happy about that because that’s my child.”
Natural na mabanggit ang Encantadia ‘pag nasusulat ang pagbubuntis ni Kylie dahil hindi pa tapos ang fantaserye nang mabuntis si Kylie. Nagtatanong ang viewers kung ano ang mangyayari sa karakter ni Kylie na si Reyna Amihan?
Ayaw ng Encantadiks na mawala sa fantaserye si Kylie, kaya sa ayaw at gusto ni Aljur o maging ni Kylie -- kung pareho man silang nagagalit, mababanggit talaga ang Encantadia.
Sa reaction na ito ni Aljur, parang kapani-paniwala ang tsikang galit na naman siya sa GMA-7, na may problema na naman siya. Pansinin na hindi niya mabanggit angEncantadia at “‘yung isang show” lang ang sinabi.
Ang balita pa, tatapusin na lang ni Aljur ang kontrata niya sa GMA Network this February at aalis na siya sa network.
Lilipat na siya sa ibang manager at ibang network.
In fairness sa GMA-7, kahit kumalat na ang pagbubuntis ni Kylie, wala pa rin silang inire-report. Iniulat lang nila ang pagbubuntis ni Kylie sa interview ng aktres at last week lang ‘yun.
Wish ng fans nina Aljur at Kylie, mawala na ang galit sa puso ni Aljur para mas maging masaya sila sa haharapin nilang buhay at sa pagwe-welcome sa kanilang magiging anak. (NITZ MIRALLES)