IBA’T IBANG awitin tungkol sa kaligayahan at pagkabigo sa pag-ibig ang tampok sa pinakabagong album ng Queen of Teleserye Theme Songs at multiplatinum-selling artist na si Angeline Quinto.

 “Lahat ng kanta sa album na ‘to, love songs. Lahat yata ng sitwasyon sa pagmamahal naranasan ko,” sabi ni Angeline, na nagdiriwang ng kanyang ikaanim na anniversary sa showbiz ngayong taon.

 Tampok sa album ang unang single niya na binansagang “most heartbreaking song of 2017,” ang At Ang Hirap, na isinulat ng pop rock princess na si Yeng Constantino at iprinodyus naman ni Jonathan Manalo, tungkol sa hirap ng pagmo-move on mula sa hiwalayan.

 

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Sa pagbabalik ni Angeline sa recording, mapapakinggan din ang isa na naman niyang komposisyon, ang Para Bang, Para Lang na dedicated niya sa kanyang ina. Ito na ang pangalawang kantang isinulat at ini-record ni Angeline pagkatapos ng Sana Sana na naging laman ng 2013 album niyang Higher Love.

 

Siguradong makaka-relate rin ang fans sa awiting Paano Ba Ang Huwag Kang Mahalin, ang kauna-unahang kantang isinulat ng TV writer at online personality na si Darla Sauler na nag-uumapaw sa hugot.

 Kasama rin sa track list ng@#LoveAngelineQUinto ang isa pang komposisyon ni Yeng na ’Di Na Tayo, pati na ang duet nina Angeline at Michael Panganibanna Parang Tayo Pero Hindi, na nanalong 5th Best Song of Himig Handog P-Pop Love Songs 2016.

Laman din ng album ang acoustic remix ngPara Bang, Para Lang, ang covers ng Nanghihinayang ng Jeremiah at ballad naKailangan Kita, at originals na Awit Ng Pag-ibig at Ang Pag-ibig Ko’y Ikaw Ang@LoveAngelineQuinto ay produced ni Jonathan Manalo. Mabibili na ito sa record bars nationwide sa halagang P299 lamang. Maaari na rin itong ma-stream sa Apple Music at Spotify. Available na ang buong album sa digital stores simula kahapon.

 Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang Starmusic.ph o i-follow ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starmusicph, o @starmusicph sa Twitter at Instagram. (Ador Saluta)