CAMP JUAN, Ilocos Norte – Dalawang katao ang nasawi habang isa naman ang malubhang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa sasakyan sa Ilocos Norte nitong Sabado.

Sinabi ng pulisya na nasawi si Wilmer Padaoan, 27, bartender, tubong Bangui, Ilocos Norte at residente ng Barangay 3, Laoag City, makaraang sumalpok ang motorsiklo nito sa isang poste sa Bgy. Pasciocan sa Bacarra, Sabado ng umaga.

Nauna rito, patay din si Kernel Foronda, ng Vintar, habang nasugatan naman ang kasama niyang si Julian Borja, matapos na bumangga sa puno ang kanilang motorsiklo sa Laoag City. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder