Inihayag kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año na nasa 15 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), Maute terror group, kabilang ang isang teroristang Indonesian, ang napatay sa tuluy-tuloy na opensiba ng militar sa Butig, Lanao del Sur.

May kabuuang pitong terorista pa, kabilang ang isang dayuhan, ang nasugatan sa grupong pinamumunuan ng ASG leader na si Isnilon Hapilon at mga kapwa nito terorista sa Basilan, ng magkapatid na Abdullah Omar at Otto Maute, at ng iba pang lokal at dayuhang terorista, dahil sa air strikes ng militar na sinimulan pasado hatinggabi nitong Huwebes.

Sinabi ni Año na ang nasabing bilang ng nasawi ay batay sa intelligence reports na nakukuha ng AFP.

“Based on intelligence reports we have been receiving, there are more or less 15 Maute and Abu Sayyaf fighters under Isnilon Hapilon that have been killed due to the air strikes and artillery shelling,” ani Año. “There is still ongoing ground operations so we expect that there will be encounters forthcoming.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Una nang iniulat ng militar na malubhang nasugatan sa air strikes ang 50-anyos na si Hapilon, at naka-monitor ngayon ang militar sa kalagayan nito.

“He needs blood transfusion. If he fails to get proper medical treatment he will die,” sabi ni Año. “He's bedridden and cannot walk. He's being carried by his men through the use of an improvised stretcher.” (Francis T. Wakefield)