CAMILING, Tarlac – Grabeng nasugatan ang isang motorcycle rider at dalawang angkas niya makaraang masalpok ng van ang kanilang motorsiklo sa Camiling-Paniqui Road sa Barangay Marawi, Camiling, Tarlac, nitong Biyernes ng gabi.

Nasugatan sa banggaan ng Honda TMX motorcycle at Suzuki Every Van sina Pacifico Villaruel, 42, may asawa, driver ng motorsiklo; Risa Villaruel, 39, may asawa; at Zyannedrie Villaruel, apat na taong gulang, pawang taga-Purok Sagaya, Bgy. Marawi, Camiling, Tarlac.

Bumibiyahe patungong Paniqui ang motorsiklo nang mabangga ito mula sa likuran ng van (AAI-1544) na minmaneho ni Carlos Cabrera III, 35, may asawa, ng Purok 2, Bgy. Barang, Paniqui, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito