SA kabila ng kanyang pagkakamali sa nakaraang Miss Universe pageant, mainit na sinalubong ng mga Pilipino ang host na si Steve Harvey nang dumating kahapon.
“Filipinos welcomed Steve Harvey with open arms and without any reservation. The popular American actor-comedian has millions of excited fans in the Philippines, who look forward to having him host or emcee the 65th Miss Universe Coronation on Monday, when the universe, tune in on this thrilla in Manila,” sabi ni Tourism Secretary Wanda Corazon Teo.
Dumating sa Pilipinas si Steve Harvey, ang host na nagkamali sa paghahayag ng nagwagi sa Miss Universe 2015, para muling maging host sa 65th Miss Universe pageant na gaganapin sa Lunes, Enero 30, sa bansa.
“In the tradition of genuine Filipino hospitality, we extend our hand of friendship.... We are so happy, honored and proud to have Mr. Harvey in the Philippines,” ani Teo.
Bumaba si Harvey sa Terminal 1 8 a.m. kahapon sakay ng Special Flight N626JE.
SECOND CHANCE
Nangako si Harvey na magiging “amazing” ang pagho-host niya ng prestihiyosong pageant sa Pilipinas.
“Steve Harvey will be hosting again. And I had a chance to speak with him when I went on his show. He’s gonna do amazing this time, he promised me,” sabi ni Miss USA Deshauna Barber.
Nang ihayag ng DOT na muling kukuning host si Steve Harvey sa Miss Universe pageant sa Pilipinas, idiniin ng ahensiya na hindi mahalaga kung sino ang host. Ang importante ay sa bansa gaganapin ang patimpalak at tiyak na magpapalakas sa industriya ng turismo, ayon dito.
“Ang importante ay tuloy (na gaganapin ang Miss Universe pageant sa bansa) and we are happy na tuloy na,” ani Teo.
Sinabi rin ni Tourism Undersecretary Kat de Castro na nagpahayag si Harvey sa Miss Universe Organization na nais nitong personal na humingi ng kapatawaran sa mga Pinoy sa pagkakamali na tawagin si Miss ColombiaAriadna Gutierrez bilang nanalong Miss Universe, sa halip na ang tunay na nagwaging si Miss Philippines Pia Wurtzbach.
“He wants to apologize to the Filipinos who were hurt because of what happened,” dagdag ni De Castro.
Humingi na si Harvey ng paumanhin sa dalawang beauty queens, na nagtagisan noong Disyembre 2015.
(CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE)