Nilinaw kahapon ni Tourism Secretary Wanda Teo na hindi nila iniitsa-pwera si Vice President Leni Robredo sa 65th Miss Universe grand coronation night na gaganapin sa SM MOA Arena sa Pasay City bukas.

Ito ang pahayag ni Teo, nanguna sa Chinese New Year’s countdown sa Chinese Garden sa Rizal Park kamakalawa ng gabi, kasunod ng ulat na hindi naimbitahan ng Department of Tourism (DoT) si Robredo sa nasabing big event.

Ayon kay Teo, sa katunayan, isa si Robredo sa mga unang taong nais niyang mabigyan ng ticket. Gayunman, hindi kaagad ito napadalhan ng tiket, dahil nahirapan ang staff ng DoT na makakuha ng mas magandang puwesto para sa Vice President at tanging ‘lower box tickets’ pa lamang ang available. Diin niya, ayaw naman nilang bigyan ang bise president ng lower box seat.

Sinabi ni Teo, na nais sana nilang ipuwesto si Robredo sa VIP section, tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kwento pa niya, may mga cabinet secretaries at ambassadors nga ang nakakuha lamang din ng lower box tickets dahil sa mataas na demand ng tiket.

Nauna rito, sinabi ni Robredo na hindi siya imbitado sa 65th Miss Universe grand coronation night, matapos tanungin ng media kung manonood siya ng aktibidad. (Mary Ann Santiago)