Problema sa pamilya ang tinitingnang anggulo sa pagpapakamatay ng isang binatilyo na nagbigti sa loob mismo ng kanilang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO3 Maria Lea Baldomero ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Malabon Police, kinilala ang biktima sa alyas na “Ronnie”.

Base sa imbestigasyon, dakong 6:30 ng gabi nadiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa Barangay Panghulo, Malabon City.

Nagtulung-tulong ang mga kaanak ng biktima na maibaba ang kanyang bangkay at nagtungo sa Police Community Precinct (PCP) 1 para humingi ng ayuda.

National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO

Samantala, nakita sa tabi ng bangkay ang isang sulat kung saan humihingi ng tawad ang biktima. (Orly L. Barcala)