MAPAPANOOD ang pinakamahuhusay na amateur at collegiate badminton player sa pagpalo ng 10th Prima Pasta Badminton Championship sa Pebrero 23 hanggang Marso 5 sa Powersmash Badminton Courts sa Pasong Tamo, Makati City.

Inaasahan ang 2,000 kalahok mula sa iba’t ibang club, school at community-based team ang sasabak sa anim na araw na torneo na inorganisa ni Alexander Lim, sa pakikipagtulungan ng Philippine Badminton Association (PBA).

Bahagi ang torneo ng Philippine National Ranking System (PNRS).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“On our tenth year, we are expecting the most exciting badminton competition not only from the open divisions but also to other divisions as well,” pahayag ni Lim.

“It’s also a decade of excellence in Prima Pasta badminton championship.”

“Every year we see a lot of players that excel and we’re hoping this will be another banner year for our badminton tournament,” aniya.

Itinataguyod din ang torneo ng Babolat at SMART Communications, sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation. Tampok ang mga event na Men’s Doubles at Mixed Doubles sa Open class hanggang Levels A to G, habang ang Open Class at Levels B to F ay para sa Women’s Doubles.

Tampok din ang boys’ and girls’ singles event sa Under 19, 17, 15, 13 at 11 category, habang ang boys’ and girls’ doubles ay sa Under 19, 17 at Under 15. Nakatakda rin ang bagong non-gender doubles event kung saan ang kalahok ay may pinagsamang 100 taon at ang Minimum age ay 30.

Kabilang ang mga miyembro ng National Team na sina Peter Gabriel Magnaye, Alvin Morada, Joper Escueta, Anton Cayanan, Paul Vivas, at Ronel Estanislao,sa mga kalahok.