CABANATUAN CITY - Idineklara ng Malacañang ang non-working holiday sa Cabanatuan City, Nueva Ecija sa Biyernes, Pebrero 3, bilang paggunita sa ika-67 taong pagkakatatag ng lungsod.

Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 133 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, walang pasok sa Biyernes sa trabaho at paaralan sa Cabanatuan upang mabigyang pagkakataon ang mamamayan na makiisa sa taunang pagdiriwang at sa 3rd Banatu Festival.

Batay sa schedule ng City Information and Tourism Office, ilan sa mga dapat abangan ang Food at Longganisa Fairs, Sayaw Cabanatuan, DepEd Night, Dog Show, Karera ng Kalabaw, 4x4 Off-Road Challenge, MTB Fun Ride, Fun Race, Bike Exhibition, Banatu Run, Barangay Night, Kasalang Bayan, at Job Fair. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito