LAPU-LAPU CITY, Cebu – Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 7 ang misis ng isang big-time drug lord na napatay noong 2005, makaraang masamsaman ng aabot sa P6 milyon halaga ng shabu.

Sinabi ni PDEA-7 Director Filemon Ruiz na dinakip nila si Janice Nodalo sa buy-bust operation sa Lapu-Lapu City nitong Biyernes ng gabi.

Nakumpiska kay Nodalo ang nasa isang kilo ng hinihinalang shabu.

Si Janice ay asawa ng sinasabing big-time drug lord at robbery gang leader na si Joel Nodalo, na pinatay ng nag-iisang suspek sa loob ng sabungan sa Buenavista, Bohol noong Hunyo 23, 2005. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

PETA, umalma sa viral video ng sawa na ibinalibag sa daan sa Davao City