BUONG yabang na sinabi ni four-division world champion Juan Manuel Marquez na kahit alukin siya ng US$100 milyon, hindi na niya lalabanan sa ikalimang pagkakataon si WBO welterweight champion Manny Pacquiao.

Nagsasanay ngayon si Marquez sa Mexico City para sa planong muling pagbabalik sa ring sa edad na 43 pero tutol siya na labanan si Pacquiao na pinatulog niya sa ikaanim na round noong 2012 sa kanilang ikaapat na laban.

“There are rumors on the networks that I have been offered $60 million to again fight Manny Pacquiao, but even if they give me $100 million, I will not fight him,” giit ni Marquez sa Fightnews.com.

Minsan lamang nanalo si Marquez sa apat na laban kay Pacquiao pero iginiit ng Mexican na dinaya siya ng Las Vegas judges kaya dalawang beses nanalo ang Pilipino at nagtabla sila sa unang laban na tatlong beses siyang bumagsak sa 1st round.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“I’m still training and I’m always running. I know I’ve been out for almost two years. This year definitely I think I’ll do two fights to assess how my body reacts,” diin ni Marquez hinggil sa pagbabalik-boksing. “Passing those tests, I would have another important fight. But first I have to talk to my family. If my family tells me, I’ll leave boxing. My family is now my priority.”

Sinabi naman ng beteranong trainer ni Marquez na si Hall of Famer Nacho Beristain sanotifight.com na may plano si Marquez na tatlong beses lumaban bago tuluyang magretiro sa boksing.

Ipinaliwanag ni Beristain na lubusan nang magaling ang may problema sa tuhod ni Marquez kaya nakatatakbo na ito malapit sa bahay nito sa Mexico City.

“He’s one of the stars of boxing. Juan is one of those fighters who receive the better television numbers. [Getting on American TV] is no problem,” sabi ni Beristain sa boksingerong may rekord na 56-7- 1, tampok ang may 40 pagwawagi sa knockouts. “Juan is very excited to fight.” (Gilbert Espeña)