Sam at Julia copy

HANGGANG Pebrero 10 na lang pala ang Doble Kara na patuloy pa ring humahataw sa ratings game. Sa Pebrero 4 na ang huling taping nila.

Excited sina Julia Montes at Sam Milby sa nalalapit na pagtatapos ng serye nila at abangan daw ito dahil may

pasabog na mangyayari. Higit sa lahat, excited na ring makapagpahinga at makapagbakasyon ang dalawa. Isang taon at kalahati silang nakatali sa tapings ng Doble Kara.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019

Obviously, aasikasuhin ni Julia ang muli nilang pagkikita ng ama na natagpuan at nakilala na niya noong Disyembre, pagkalipas ng 21 years. Gusto niya itong makasama ang matagal dahil nabitin ang bonding nila sa ilang araw na pagdalaw ng pamilya nito sa kanya. May balita na babalik ito sa Pilipinas at kung hindi naman, tiyak na si Julia ang lilipad patungong Germany.

Hindi lang namin alam kung makakasama ang mama ni Julia dahil may sarili na rin itong pamilya.

Imposible ring masamahan siya ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin na abala pa rin sa pagiging creative chief at pagiging bida sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Magbabakasyon naman ng dalawang linggo si Sam sa Paris, France kasama siyempre ang kanyang lady love na si Marie Jasmine at pagbalik ay tatapusin na niya ang huling kanta para sa album niya under Star Music na malapit nang i-launch.

Isang original song na lang ang kulang na si Sam mismo ang sumulat at naglapat ng tunog.

Hindi malinaw sa amin kung sisimulan na niya ang pelikulang matagal nang nakabinbin sa Star Cinema.

Nakakatuwa ang dalawang bida ng Doble Kara dahil kahit hindi sila magkarelasyon o magka-love team ay tinanggap sila ng televiewers dahil umabot sila ng anim na season.

Ang Doble Kara ay handog ng Dreamscape Entertainment at idinidirehe nina Erick Salud, Manny Palo, Jojo Saguin at Trina Dayrit. (REGGEE BONOAN)