Suportado ng Liberal Party (LP) ang hakbang ng administrasyon na hilingin sa United States na tanggalin ang pangalan ni Jose Maria “Joma” Sison, founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP), sa terrorist watch list.

Ayon kay LP President Senator Francis Pangiinan, kapag naalis ang pangalan ni Joma sa terror watchlist ay makakauwi na siya sa Pilipinas at makatulong upang mapabilis ang usaping pangkapayapaan. Tanda rin ito ng katapatan ng pamahalaan sa mithiin na wakasan na ang armadong labanan sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF (National Democratic Front).

“Pinupuri rin natin ang magkabilang panig sa pagpapatuloy ng negosasyong pangkapayapaan sa kabila ng mga posibleng kumplikasyon, kabilang na ang engkwentro sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at ng NPA (New People’s Army) kamakailan lang,” ani Pangilinan. (Leonel M. Abasola)

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga