CAGAYAN DE ORO CITY – Isinailalim ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang malaking bahagi ng Northern Mindanao sa code red alert kahapon dahil sa walang tigil na pag-uulan sa rehiyon.

Sinabi ng PAGASA na apektado ng low pressure area at tail-end of a cold front ang mga lalawigan ng Camiguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, at Bukidnon hanggang 1:00 ng hapon kahapon.

Nasa code red na rin ang Lanao del Sur, at ang apat na lalawigan ng Agusan at Surigao, kabilang ang Dinagat Islands.

Sa Cagayan de Oro City, ilang lugar ang muling nalubog sa baha, gaya ng nangyari nitong Enero 16.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Mahigit 1,000 law enforcer naman mula sa iba’t ibang unit ng police regional office ang pinakilos bilang search at rescue responder sa mga bahaing lugar sa Misamis Oriental. (Camcer Ordoñez Imam)