Mula sa pagiging 7th placer noong isang taon , mataas ang morale ngayon ng Adamson sa pagpasok ng bago at foreign coach na si Airess Padda na maatassang buhayin ang kanilang volleyball program sa collegiate level.

Unang itinuro ni Padda sa Lady Falcons na pinaka importanteng aspeto ng laro ay tamang komunikasyon.

Dahil dito, nabansagan silang maingay na ayon kay Padda ay ayos lang dahil makakatulong ito sa kanila upang makalaro ng maayos.

“It’s a good thing because when you’re on the court, it feels like chaos is going on. Throughout the chaos, you gotta find a way to calm the storm.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

.“Not everyone is noisy but when it’s not noisy in here, that’s when they’re playing their worse,”dagdag ni Padda

Gayunman, aminado si Padda na aasistihan nina Cherry Macatangay , Michele Gumabao at, Angge Tabaquero na magiging malaking kakulangan para sa Lady Falcons ang kawalan ng exposure sa ilang ligang lokal at abroad kumpara sa kanilang mga makakalaban..

“Going abroad is not the advantage of other teams. Their advantage is they get to compete against teams and that’s gonna be one of our weaknesses this year: our lack of game experience,”ani Padda. “We can play as may tuneups as we can but it will never be like playing an actual game.”

Para sa American mentor, wala siyang inaasahan sa performance ng kanyang mga players kundi ang ipakita ng mga ito na lalaban sila para sa Adamson, dahil malaki ang tsansa aniya ng isang palabang koponan at kahit humantong sa kabiguan masasabi nilang taas noo na lumaban sila ng sabayan.

Nakatakdang pangunahan ang Lady Falcons ng kanilang team skipper na si Jema Galanza. sa unang pagsalang sa unang pagkakataoon sa UAAP Season 79 kontra University of the Philippines. (Marivic Awitan)