Isang napakahalagang tungkulin ang gagampanan ng isang Filipino-American sa administrasyon ni U.S. President-elect Donald Trump.

Itinalaga si Ninio Joseph Fetalvo na White House assistant press secretary, at makikipagtulungan kay press secretary Sean Spicer sa pagtugon sa mga pangunahing isyu sa gobyerno ng Amerika.

Sakop ni Fetalvo ang usaping pangkalusugan, edukasyon, transportasyon at veterans affairs.

Bago maitalaga sa administrasyong Trump, nagtrabaho ang 23-anyos na si Fetalvo sa Republican National Convention (RNC) bilang press assistant for Asian and Pacific Islander Media.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naglingkod din siya bilang deputy director ng strategic media part ng 58th Presidential Inaugural Committee.

Sa isang panayam sa online news magazine na The Fil Am Metro DC, sinabi ni Fetalvo na ang Republican party ay “very welcoming” sa kanya sa simula pa man ng kanyang career.

“When I started interning for RNC during my senior year of college, halfway through the internship they notified (me) that the job for press assistant for Asian American engagement would be available. I applied for the job and I knew that this is exactly what I wanted to do after college,” ani Fetalvo.

Bukod kay Fetalvo, napaulat na napipisil na maging susunod na solicitor-general ng Amerika ang Fil-Am corporate lawyer na si George Conway, asawa ng senior adviser ni Trump na si Kellyanne Conway. (Noreen Jazul)