Tukoy na ng Southern Police District (SPD) ang dalawa sa apat na suspek sa pagpugot at pagpatay sa dalagitang kasambahay kamakailan na ang ulo ay natagpuan sa Makati habang ang katawan ay sa Bulacan.

Ipinakita pa sa media ni SPD Director chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. ang larawan ng dalawang suspek na kinilalang sina Charissa Mae Anial Chai, alyas “Samantha”; at Niron Leon Marcos, alyas “Saron”, na sinasabing mga huling kasama ng biktimang si Richelle Sagang, 17.

Samantala, itinanggi ng amo (hindi binanggit ang pangalan) ng biktima na may kinalaman siya sa insidente at nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon ng awtoridad.

“Malaki po ang maitutulong ng dalawang ito sa oras na lumutang sa aming himpilan, dahil sinasabi ng guwardiya sila ang kasama ni Sagang nang umalis ng subdivision,” ayon kay Apolinario. (Bella Gamotea)

National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO