UNITED NATIONS (AP) – Nagbabala ang isang opisyal ng UN na ang lumalalang kaguluhan sa Yemen ay nagreresulta sa pagkagutom ng two-thirds ng populasyon nito.
Sinabi ni UN Special Envoy to Yemen Ismail Ould Cheikh Ahmed sa Security Council na tinatayang 18.2 milyong Yemeni ang nangangailangan ng “emergency food.”
Ayon naman kay UN humanitarian chief Stephen O’Brien nahaharap ang Yemen sa matinding taggutom.
Idiniin niya na isang bata ang namamatay “every 10 minutes” sa mga kadahilanang maaari namang maiwasan.