Sa kabila ang pagsisikap ng Pangulong Rodrigo Duterte na mapabuti ang relasyon sa China, walo sa 10 Pilipino ang naniniwala pa rin na dapat patuloy na ipaglaban ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea, lumutang sa Pulse Asia survey na inilabas kahapon.

Sa nationwide survey ng 1,200 adults, 84 porsiyento ang sumang-ayon na dapat igiit ng bansa ang mga karapatan nito sa pinagtatalunang rehiyon batay sa kapasyahan ng Permanent Court of Arbitration noong nakaraang taon.

Nanalo ang Pilipinas sa exclusive sovereignty sa West Philippine Sea laban sa “nine-dash-line” na inaangkin ng China sa desisyong ibinaba ng PCA noong Hulyo 2016.

Tatlong porsiyento lamang ang kontra sa ideya na igiit ng bansa ang mga karapatan nito, at 12 porsiyento ang neutral.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binanggit ni Pulse Asia Director for Research Ana Maria Tabunda, sa press conference sa Makati kahapon ng umaga, na sa mga sumang-ayon na respondent, 44% ang nagsabing sila ay “very much agree,” habang 40% ang “agree.”

Pinakamataas ang pagsang-ayon ng respondents mula sa National Capital Region (92%), sinusundan ng mga taga- Mindanao (87%) at Luzon (83%). May 77% naman ang sumasang-ayon sa Visayas, na pinakamalapit sa pinagtatalunang rehiyon.

ALYANSA SA DEPENSA, OK

Sa parehong survey, isinagawa noong Disyembre 6-11, 2016, tinanong din ang respondents kung dapat bang ikonsidera ng Pilipinas ang “security or defense cooperation” sa China at Russia kaysa sa United States.”

Natuklasan sa survey na 47% lamang (12% ang “very much agree,” 35% ang “agree”) ng mga Pilipino ang bukas na ibaling ang alyansa sa China at Russia.

Malaking bilang sa 34% ang hindi makapagpasya kung dapat bang subukan o hindi ng gobyenro ang security partnerships sa dalawang superpower na bansa. Tutol naman ang 18% ng respondents. (VANNE ELAINE P. TERRAZOLA)