Arestado ang isang security guard makaraang inguso ng isang estudyante sa umano’y panghihipo at panghahalay sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Inocencio Sacro, 39, ng 237 Doña Aurora Street, Kagitingan, Tondo.

Inaresto si Sacro matapos ireklamo ng 16-anyos na estudyante.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 2, personal na nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktima, kasama ang isang kaibigan, upang isumbong ang pang-aabusong ginawa sa kanya ng suspek.

National

Senate Impeachment Court, nag-isyu ng summon kay VP Sara

Agad sinamahan ng mga tauhan ng Anti-Crime Unit, sa pangunguna ni Police Senior Insp. Edison Ouano, ang magkaibigan patungo sa tahanan ng suspek.

Katabi pa umano ng suspek ang ina ng biktima nang posasan ito ng mga awtoridad matapos positibong kilalanin ng biktima.

Base sa imbestigasyon, dakong 8:00 ng umaga nitong Enero 24 nangyari ang panghahalay nang pasukin umano sa banyo ni Sacro ang biktima at hawakan ang maseselang bahagi ng katawan ng dalaga.

Hindi pa nasiyahan, dinala umano ni Sacro ang biktima sa kuwarto at doon hinalay. (Mary Ann Santiago)